Basted

Basted by Jayson Benedicto
Maliban sa maiikling braso ng mga T-rex na hindi kayang abutin ang garapon ng chocolate wafer stick sa ibaba ng refrigerator, na posibleng dahilan ng kanilang agresibong pag-uugali, hindi ba’t sila dapat ang naghahari sa mundong ibabaw? Depende sa pinaniniwalaan mong dahilan kung bakit nalimas ang populason ng mga dinosaur, hindi maitatanggi na buto na lang nila ang nag-e-exist.

Wala namang kinalaman ang pagtama ng kometa o ang drastic na pagbabago ng klima sa kwento ko. Nakakatakot lang isipin na ang mga higanteng nilalalang na may makakapal na balat at primal instinct ay kinayang burahin sa mundo at tuluyang maglaho.

Paano pa ako? Paano pa ang isang komplikadong specie ng kamota na kagaya ko na ang tanging kakayahan lang ay ang pumila at maghintay? Siguradong hindi na kailangan ng asteroid, meteorite, o kung ano pang higanteng kulangot mula sa universe para mabaon ako sa limot. Ang kailangan ko lang ay ang paulit-ulit na mahulog, sumubok at mabigo.

Ako si Lee. At ito ang kwento ko.
Basted

Our Selling Price: PHP175.00

Stock Quantity 97
Quantity:
Inquiries

Facebook Comments